Featured OFW: Charlie Montemayor of Palau
| June 18, 2012 | Posted by Mitchteryosa under Featured OFW |
Please share a little something about yourself, where you at and what you do mainly? Ako si Charlie Montemayor, Ama sa dalawang naggagandahang at matatalinong bata, Kasalukuyang Sr. System Analyst/Programmer ditto sa bansang Palau. Isa rin po akong blogero sa mga oras na walang magawa. Blogerong nagpipilit na kumita para sa isang Proyektong may adhikain na magpangiti ng mga batang mas nangangailangan
How long have you been serving the said foreign country? Humigit kumulang Siyam na taon na ako ditto sa bansang Palau.
How did you land there? Sa tulong ng isang dating kaopisina at kaibigan, nagkaruon ako ng oportunidad na makapagtrabaho sa sa ibang bansa na kahit sa panaginip ay hindi ko pinangarap dahil na rin sa mga iiwan ko sa Pilipinas.
Was it your choice or you didn’t have any choice but to leave and work abroad? Pinili ko to, ang tutuo maayos naman ang trabaho ko sa Pilipinas bilang isang Programmer sa isang Resort sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) pero dahil sa lumalakeng gastusin sa pang-araw-araw at para na rin sa kinabukasan ng aking Pamilya, Pinili ko na to kahit sa maikling panahon man lang.
How do you deal with homesickness? College pa lang nalayo na ako sa mga magulang ko at mga kapatid, pag-inom at barkada ang paraan ko upang kahit papaano’y makalimutan kong nag-iisa ako. Dumating ako ditto sa Palau taong 2003 na dala-dala ang gawaing yun, hanggang sa marealize kong hindi lang pala ako ang sinisira ng pag-inom-inom ko kundi pati mga mahal ko sa buhay kaya tinigil ko na. Sa ngayon blogging at pakikisalamuha sa mga kaibigan sa mga social networking ang pinagkakaabalahan ko upang kahit papaano’y mapawi ang homesick na nararanasan ng bawat OFW.
Do you have plans to quit soon and work in the Philippines instead? Ang tutuo, bago ako pumunta dito, pinangako ko sa sarili kong dalawang taon lang ang itatagal ko ditto, pero hindi nangyari. Ngunit sa kabilang banda, hangad ko pa rin ang makauwi sa Pinas, hindi upang magtrabaho muli pero bilang isang negosyante kung papalarin.
What achievements have you had so far? Ang maibigay ang lahat ng kaya kong ibigay sa dalawa kong Anak ay isang Achievement na para sa akin. Ang makapagpangiti ng mga batang mas nangangailangan sa tulong ng Isang Minutong SMILE ay maituturing ko ring isa sa pinakamalakeng achievement ko na matatawag.
How frequent do you come home to spend quality time with your family? Nakakalungkot mang isipin, kada dalawang taon lang ako nakakauwi dahil na rin sa libreng ticket na bigay ng kumpanya kada dalawang taon o pagkatapos ng bawat kontrata.
Any bad experience/encounter that you want to share with us? i.e. airport/Immigration corruption, racism, and the like. Hahaha, ung mga naunang tanong ang bilis kong sinagot pero eto ang tagal kong nag-iisip, o sadya lang nakalimutan ko na dahil na rin sa ugaling kong kalimutan ang mga masasama o nakakalungkot na pangyayari sa aking buhay.
Any advice that you can give to those who are planning to work abroad? Kung kakayanin mo naman ang gastusin sa Pinas at sa tingin mo’y may magagawa ka pa upang yung dahilan mo nang pagpunta sa Abroad ay magawan mo pa ng paraan ng hindi umaalis ng sariling bansa, wag ka nang lumayo. Hindi biro ang malayo sa pamilya, hindi solusyon ang pangingibang bansa upang maging maayos ang kinabukasan ng iyong pamilya at hindi lahat ng nangibang bansa ay may naibigay na magandang kinabukasan sa kanyang pamilyang iniwan sa Pilipinas. Dahil ang ilan sa kanila, nagging dahilan pa upang ang sinasabi nilang pamilya ay masira.
_____________________________________

Charlie Montemayor aka LordCM is a high school classmate of mine who also happens to be a blogger. He blogs at From The Dungeon.
No related posts.


This is the default footer layout. You can easily add or remove columns in the footer.
Salamat dito batchmate :)
LordCM recently posted..Pagbati sa Kaarawan ni Inay
[Reply]
ang haligi ng isang minutong smile! =)
[Reply]
ahahaha, nice naman .Congrats for being featured. I am an OFW (kahit housewife ,i still consider myself an OFW) too, so medyo nakakarealate dito sa post and how you feel leaving the love ones behind. Kakamiss di ba?.Thank God at kasama ko family ko abroad pero syempre namimiss ko pa rin parents at mga kapatid ko back home.
tatess recently posted..Click and Comment Monday #2
[Reply]
Wow, a family man.
jo-ann recently posted..How I Deal with Life
[Reply]
Congrats for being featured here, you are a strong person, keep it up.
Jade recently posted..Let’s join Chef Lau’s Dinner Party!
[Reply]